Published: 2020-08-27
Ang Board of Directors (BOD) at pamunuan ng Occidental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (OMECO) ay lubos na nagpapasalamat sa tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan at Provincial Government ng Occidental Mindoro sa pamumuno ng ating Gobernador Edgardo B. Gadiano na payagan ang OMECO na umukupa ng libre sa lupang may sukat na 2,000 square meters sa Oisca, Brgy. Casague, Sta. Cruz, Occidental Mindoro. Ang OMECO ay humiling sa Provincial Government of Occidental Mindoro (PGOM) sa pamamagitan ng Resolusyon No. 43, S’ 2020, “Resolution Earnestly Requesting from the Provincial Government of Occidental Mindoro for the Free Use of 2,000 Square Meter Lot in Oisca, Barangay Casague, Sta. Cruz, Occidental Mindoro for the Installation of 5MVA Substation”. Sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 269 ang PGOM ay binigyan ng kapangyarihan ang ating Kgg. Na Gobernador na payagan ang OMECO na makapaglagay ng 5MVA substation sa nasabing lugar sa loob ng 25 taon sa pamamagitan ng “Deed of Usufruct”. Ginanap kanina sa Sablayan Provincial Sub-office ang pirmahan ng Deed of Usufruct sa pagitan ng PGOM na kinatawan ni Gobernador Eduardo B. Gadiano at OMECO na kintawan ng ating NEA Project Supervisor/Acting General Manager Cesar E. Faeldon.